1st June, 2012

Batch 2012

posted 1 day ago

“The future belongs to those who believe in the beauty of their dreams.”

—Eleanor Roosevelt

Nagsimula ang lahat sa pangarap. Pangarap na maging CPA, pangarap na mag-law after graduation, pangarap na ma-cum laude at pangarap na yumaman. Heto ang karaniwang pangarap ng mga pumapasok sa AMV. Hindi biro ang pinagdaanan, mula sa mahigit na isang  libong estudyante, sino mag-aakalang nasa 300+ lang makakatapos. Mahirap sa AMV. Akala ko nung una, OA lang ung mga nagkwekwento pero ako mismo ang nakaranas. Naranasan ko na mag-exam na 2 oras lang ang tulog, napilitan akong uminom ng cobra dahil wala ng talab ang kape. Naranasan ko ring umiyak at ang pinakaunang nagpaiyak sa akin ay ang logic. Alam mo ung tipong 5 items lang ung quiz tapos isasagot mo lang ay yes or no. At sino ba naman ang di matatakot sa recitation na bunutan ng index card. Naiisip ko tuloy ngayon na parang dati hirap na hirap ako sa logic, tapos nung dumating ang mga accounting subjects, narealize ko na may mas mahirap pa pala. 

Bakit ako nagsurvive sa AMV?

Actually, hindi ko alam sagutin ‘to. Minsan, may nagtanong sa akin na 2nd year, ano daw sikreto ko kung bakit ako nagtagal. Ang nasabi kong sagot ay faith. Faith in God, faith in yourself, and faith in your capabilities.

Faith in God. Sabi nga, when you’re at the end of your rope, you’ll realize that you need Him. Kaya nga after ng departmental o major exams, puno ang chapel ng mga AMV students. Personally, may isang verse sa Bible na talagang pinanghawakan ko since first year especially pag down na ko at feeling ko hindi ko na kaya. Jeremiah 29:11,

Faith in yourself. Tiwala sa sarili hindi dapat mawala kahit na ilang beses ka pa bumagsak. Ako hindi ko talaga inisip na babagsak ako, I mean, oo naiisip ko siya pero I never let that thought to eat me. Sa totoo lang, nakakawala ng confidence pag inisip mo na wala ng pag-asa. Basta may natitira pang exam, laban lang. In the end, all efforts must payoff.

Faith in your capabilities. Sabi nga sa isang libro, an average individual has 1000+ skills. Ung iba kailangan lang i-tap. Never compare yourself to other people. Benchmarking is healthy but comparing yourself to others won’t help you. Magtiwala ka sa kakayahan mo. Kaya pag mag-eexam wag nang magtanong sa kaklase, most of the time kasi magkaiba kayo ng methods kung pano magsolve. Ang mahalaga alam mo ung concepts.

Sa UST at AMV, madami akong natutunan. UST is such a home for me. Saksi siya sa pagtupad ko ng mga pangarap.

Masaya ako at alam kong ganun din ang mga ka-batch ko. Congratulations batch 2012. Pinaghirapan natin ‘to. Sabi nga ‘moment mo, kagatin mo’ Sobrang sulit lahat ng sakripisyo, pagod, iyak at puyat. 

Sobrang grateful ako kay God. :”’)) No words can express how grateful I am. 

June 1, 2012. AMV Neocentennial batch. :”’)))

fave rockband song. 

fave rockband song. 

(via lifeisdopedude)


25th May, 2012

» I love you. But I wish I never learned to.: Confessions of an IAC student: Buwis buhay

mysweetkismet:

Much will be said. Bakit ngayon pa bumagsak? Bakit ngayong last semester na? Siguro, walang makakaunawa kung gaano kahirap ang pinagdaanan naming lahat, ng bawat graduating student ng UST-AMV College of Accountancy kundi kami-kami lang din. Di naman kasi to nararanasan ng mga magulang namin, ng…

20th May, 2012

(Source: grvnge, via jonnmichaelalexis)


2 days left

posted 1 week ago

I will graduate. No doubts. No fears.

15th March, 2012

transport strike

posted 2 months ago

Seriously, why are they not suspending the classes tomorrow? Almost every university has suspended their classes.

Not every one has a car and not every one lives near UST.

Just my opinion.

11th March, 2012

 

Copyright © 2009 wacky world All rights reserved.
TumbleDesk Theme by Dave & Laptop Geek.